PBA Best-of-3 quarterfinals simula na

MAGSASAGUPA ang Ginebra San Miguel at ang Rain Or Shine sa first game habang ang main game ng PBA Commissioners’ Cup ay tatampukan ng pagahaharap sa pangalawang pagkakataon ng Alaska Aces at Air21 Express Biyernes ng gabi, Abril 8,  sa Cuneta Astrodome.

Ang Barangay Ginebra ay bahagyang nakapagpahinga habang ang Elasto Painters ay kagagaling lang sa laro laban sa San Miguel Beermen noong Abril 6 na kung saan tinalo sila ng Beermen ni coach Ato Agustin sa iskor na 121-117.

Balik-bakbakan naman ang Aces at Air Express kasunod ng paggapi ng Express sa tropa ni coach Tim Cone, 92-83 sa pagtatpos ng elimination round.

Ang apat na quarterfinalist ay pawang nag-aasam na makuha ang unang laro dahil magiging bentahe ito sa dalawang susunod pa na kung saan ang magwawagi ay makakasagupa sa isang best-of- 5 semifinals laban sa nangungunang Talk ‘N Text at Smart Gilas Nationals sa best-of-7 finals. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply