PBA Best of 7 Finals

ANG PINANANABIKANG Best of 7 finals ng PBA Commissioner’s Cup ay aarangkada na bukas, Miyerkules, sa pagitan ng top elimination at naunang finalists na Talk ‘N’ Text at ng crowd darling na Ginebra San Miguel sa Araneta Coliseum.

Isang three-straight wins ang naitala ng tropang texters laban sa late entry semifinalist na Air21 Express sa sariling best of 5 na 97-90 noong Abril 15, na sinundan ng 114-96 noong Abril 17 bago isinara ang serye sa 118-104.

Samantala, ang Barangay Ginebra na nakadalawang unang panalo laban sa Smart Gilas Nationals, 97-96 at 110-103 na pinigilan ng tropa ni head mentor Rajko Toroman nang makuha ang sweep ng irehistro ang 100-88 sa kanilang third encounter.

Sa pang-apatna sagupaan, namayani ang local players ni Coach Jong Uichico na sina Ronald Tubid, Rudy Hatfield, Mark Caguioa at Willie Miller na nagtutal ng 61 puntos sa pagrerehistro ng 92-85 na panalo.

Mabaling ang double at triple team up ng Nationals sa top scorer na si Nate Brumfield na nadiyeta sa pinakamababang 9 puntos, subalit sina Tubid at Miller ang nagpakawala ng mga puntos sa pagpasok ng 3rd at last quarter. Nangapa naman sina Marcus Daothit, JV Casio at Marcio Lassitir sa bilis ng laro at sa pagpapaulan ng 3 points nina Tubid at Miller.

Mahalaga ang panalo sa unang laro ng Best of 7 finals dahil magbibigay ito ng karagdagang kumpiyansa sa kopunang unang mananalo. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply