PCG chopper lilipad ngayong Semana Santa

NAKAALERTO na ang air group ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Kuwaresma at anumang oras ay maari nang paliparin ang PCG chopper para sa monitoring ng seguridad ng mga barko at mga sasakyang pandagat.

Ayon sa bagong commandant ng PCG na si Vice Admiral Ramon Liwanag, titiyakin nila na magiging maayos at ligtas ang paglalakbay ng mga bakasyonista hanggang sa matapos ang panahon ng Semana Santa.

Ngayong umaga ay nakatakdang maglayag muli ang barkong Negros Navigation mula Pier 2 patungong Bacolod at Iloilo kung saan tumaas na sa mahigit 100 porsiyento ang bilang ng mga pasahero sa mga nakalipas na araw.

Sinabi naman ng opisyal na patuloy pa rin ang isinasagawa nilang paghihigpit sa kampanya laban sa overloading at sa mga colorum na biyahe ng ilang motor bancas na kadalasang pinagmumulan ng aksidente.

Patuloy rin ang pagbusisi sa mga bagahe ng mga pasaherong maglalayag upang sa gayon ay hindi maispuslit ng mga ito ang mga matatalas at ilang mga bagay na ipinagbabawal na ibiyahe. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply