PCG naka-heightened alert sa Semana Santa

ITINAAS na sa heightened alert status ng Philippine Coast Guard (PCG) ang buong puwersa nito para tiyakin ang seguridad ng mga pasahero ng barko sa panahon ng Semana Santa.

Ayon kay PCG commander Admiral Wilfredo Tamayo, inatasan na ang lahat ng district stations at mga detachment nito na ipatupad ang ilang layers ng security clerks para sa mga bagahe ng mga pasahero na idadaan sa X-ray machines.

Matapos nito ay dadaan din sa K-9 inspection ng shipping companies at susundan pa ng K-9 units ng PCG.

Dahil na rin sa inaasahang dadagsa ang mga turista at bakasyunista sa mga resort at sa coastal areas ng bansa ngayong Semata Santa ay nagsagawa ng serye ng pagsasanay ang Coast Guard sa larangan ng water search-and-rescue at lifeguard and lifesavers course bilang paghahanda kung may mangyari mang di inaasahan sa panahong ito.

Samantala, nagkaroon ng memorandum of agreement (MOA) signing ang pamunuan ng PCG at ang pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) sa pangunguna ni Lt. Gen. Oscar Rabena para sa mga search-and-rescue operation sa karagatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply