PDEA nagpatupad ng mandatory drug check sa NAIA

SINIMULAN ngayon, Biyernes, ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) ang pagrerekisa sa lahat ng bagahe sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ayon kay PDEA Director General Jose Gutierrez naglagay na sila ng abiso sa mga baggage counter na sila ay magrerekisa upang malaman kung ang bagahe ay naglalaman ng illegal drugs.

Ipinaliwanag ni Gutierrez na ang lahat ng bagahe ng mga pasaherong dumadating at umaalis ay kinakailangang dumaan sa X-ray machines at ipasusuri sa drug-sniffing K-9 dogs.

Ani Gutierrez, may mga paghihigpit silang ipinatutupad upang matuldukan ang problema sa bawal na gamot.

Ang PDEA ay patuloy na nagbibigay ng babala sa overseas Filipino workers (OFWs), seafarers, at mga Filipino na bumibiyahe sa ibayong dagat na mag-ingat sa pamamaraan ng international drug syndicates na nangangalap at nagre-recruit ng Filipino upang maging “drug mule”.

Samantala, ang pamahalaan ay umani ng pagbatikos kaugnay sa sinapit nina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain, na pinarusahan ng bitay sa China dahil sa pagdadala ng iligal na droga.

Kaugnay nito, marami pang Pinoy ang nakapiit sa iba’t ibang lugar sa ibayong dagat.

“There is no use blaming anyone. Everybody must get their act together. A good start would be, for our kababayans to decline tempting offers to transport illegal drugs in exchange for monetary gain,” pahayag ni Gutierrez. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply