People Mag: J. Lo pinakamagandang babae sa mundo

HINIRANG na pinakamagandang babae sa buong mundo ang American Idol judge na si Jennifer Lopez ng People Magazine.

Ang 41 taong gulang na singer/actress ay nakahanay na sa dating tinanghal ng magagandang babae sa buong mundo na sina Halle Berr, Jennifer Garner at Beyonce Knowles.

“It’s so crazy. Rarely am I left speechless, but I feel honored. I feel not worthy, you know? I feel happy and proud. Proud that I’m not 25,” ayon kay J.Lo.

Nakatulong ang pagkakahirang ka J.Lo sa kanyang papel bilang isang judge sa pinakasikat na American Idol. Dahil din sa show ay patuloy ding namamayagpag ang kanyang dance hit na “On the Floor”. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply