‘Perlas’ pag-aaralan ng mga estudyante

MATAPOS ang mga serye ng pagsasanay ng mga teacher na isinagawa sa buong bansa, ang Public Education on the Rule of Law Advancement and Support (Perlas) ay pormal na isinalin ang Teaching Exemplars on the Rule of Law sa Department of Education (DepEd) para maibilang sa basic education curriculum.

Ayon kay DepEd secretary Armin Luistro, ang Perlas ay makatutulong sa departamento para sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa ating bansa upang ang mga mag-aaral, kahit na mga bata pa lamang, ay malalaman ang mga umiiral na batas na dapat na sundin at irespeto.

Ang Perlas ay naglalayong maturuan at maimporma ang publiko, lalo na ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan, elementarya at sekondarya, para sa kanilang pakikihalubilo sa sosyedad at sa sistema ng hustisya

Binuo ito ng DepEd, Supreme Court, Lawyers’ League for Liberty na ang namuhunang institusyon ay ang United Nations Development Program, United States Agency for International Development sa koordinasyon ng The Asia Foundation at ng World Bank.

“The Supreme Court wanted a project that can further empower the Filipino youth and contribute to their socio-civic development by the understanding and obesrvance of our laws. The PERLAS project is a long-term investment for the children,” pahayag naman ni Dennis Russell Baldago, Chief Judicial Reform Program officer ng Supreme Court. Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply