Permanenteng reserba ng langis ilaan sa krisis

DAPAT agad na sertipikahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang magkaroon ng permanenteng reserba ng langis sa bansa upang may magamit sa panahon ng krisis.

Ito ang paghimok na ginawa nina LPG Marketers’ Association (LPG/MA) Party-list Rep. Arnel Ty sa panukalang kanyang inihain sa Kamara at Senator Teofisto “TG” Guingona III sa Senado ukol sa permanenteng Strategic Petroleum Reserve (SPR).

“We are respectfully asking the President to consider certifying our bill as urgent. There is really a need for us to create a state-controlled emergency stockpile of refined petroleum products, to secure our requirements – estimated at the equivalent of 300,000 barrels of oil per day,” paliwanag ni Ty.

Ang pagsusulong na ito nina Ty at Guingona ay nakapaloob sa House Bill 4526 o pagkakaroon ng permanenteng SPR na paunang gagawin ng PNOC at ng Senate Bill 159 ni Guingona.

Batay sa panukala nina  Ty at Guingona maglalaan na ng reserba ang PNOC para sa SPR sa loob ng 26 na buwan matapos maisabatas ang panukala.

Ang SPR ay taunang lalagyan ng alokasyon sa General Appropriations Act. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply