Peste sa niyog laganap sa Palawan

LAGANAP ang peste sa niyog na tinatawag na Brontispa Longgisima sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang pagkalat ng sakit ay kinumpirma ni Senior Agriculturist Clara Mendez ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Ayon kay Mendez, matagumpay nilang nasawata ang sakit sa niyog na Brontispa Longgisima sa bahaging sur ng lalawigan, ngunit kumalat naman ito sa ilang bayan sa northern Palawan.

Tinatayang humigit sa 5000 puno ng niyog sa mga bayan ng El Nido, Roxas at Taytay ang apektado na ng sakit na brontispa longgisima.

Sa pagtataya ni Mendez, nanggaling ang sakit na ito na kumalat sa northern Palawan ay mula sa mga ornamental palm na nanggagaling sa Kamaynilaan na siyang ginagamit sa land escaping ng mga establisimyento doon.

Sinabi ni Mendez, imposibleng galing sa sur ng lalawigan ng Palawan ang nasabing sakit dahil mayroon aniyang quarantine sa Puerto Princesa kung saan agad na nade-detect ang isang halamang kauri ng niyog o anumang uri ng halaman na ipinapasok sa lungsod ay mayroong sakit.

Isinusulong ng PCA ang Natural Bio Control ang isinusulong para labanan ang brontispa.

Nasawata na nila ang sakit brontispa sa mga niyog sa parteng sur ng lalawigan ngunit mayroon pa rin umanong pagkakataon na ito ay bumabalik.

Gayunpaman, sa pananaw ni Mendez, kung dati ay naaalarma sila sa ganitong sitwasyon, ngayon naman ay itinuturing na lamang nila itong bahagi ng buhay ng mga niyog.

At aniya, umaasa sila na mapagtatagumpayan din ang nasabing sakit na ito ng mga niyog sa northern Palawan. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply