PH embassy nagpadala ng team sa JP dahil sa lindol

AGAD na nagpadala kagabi ng Huwebes, April 7 ng team si Philippine Ambassador ng Japan Manuel Lopez para alamin kung mayroong mga Pinoy na nadamay sa 7.1 magnitude na lindol na muling tumama sa Sendai at Miyagi sa naturang bansa.

Sinabi ni Lopez sa isang TV interview na ang grupong ipinadala ng Embahada ng Pilipinas ay makararating sa mga Filipino na naninirahan sa Sendai at Miyagi bago magtanghali ngayong Biyernes, April 8.

“We will check the condition of our kababayans in Sendai. We will also check on the condition of Filipinos in Miyagi,” ani Lopez.

Inatasan din niya ang grupo na alamin kung may mga kababayan na naninirahan sa kalapit na lugar na napinsala ng lindol sa Dai-ichi nuclear nuclear power plant sa Fukushima.

Ang 7.1 magnitude na lindol ay yumanig sa 49 kilometro ng east coast ng Honshu dakong-11:30 ng gabi, batay sa report ng US Geological Survey.

Ayon naman kay Renato Solidum, hepe Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang malakas na lindol ay naramdaman kung ikukumpara sa 9.0 magnitude quake na tumama sa Japan nitong March 11 dahil ang epicenter ay malapit sa ground.

Ayon kay Solidum hindi na umano kailangan pang magpalabas ng tsunami warning kaugnay sa malakas ng lindol kagabi, pero asahan ng Japan ang mga panaka-nakang mahihinang aftershocks sa mga susunod na buwan o taon. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply