Philippine entry sa 7 Wonders of Nature pinasusuportahan ni Binay

PAKIUSAP ni Vice President Jejomar Binay sa publiko na lumahok sa online voting para sa entry ng Pilipinas sa World’s New Seven Wonders of Nature.

Sa ngayon ay nasa 28 finalist ang Puerto Princesa Underground River sa Palawan.

Anang opisyal, sa pamamagitan nito ay mas mapapalakas pa ang antas ng turismo sa ating bansa na sapat upang makabangon mula sa mga negatibong travel advisories dahil sa mga kaguluhan sa Mindanao, gayundin ang Manila hostage incident na ikinamatay ng walong turista mula sa Hong Kong.

Una rito, ilang lugar din ang inilahok ng Pilipinas sa nasabing worldwide search.

Inaasahang magtatapos ang online voting sa Setyembre 25, 2011 habang malalaman naman kung sino ang mananalo sa Nobyembre 11, na nataong kaarawan din ni Binay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply