Pharex binulaga ng Black Water

BUMANGON sa 16 standing sa group B classification round ng PBA D-League Foundation Cup ang Black Water Elite nang pataubin ang Pharex, 86-75 para makasalo ang NLEX Road Warriors sa liderato  sa group A sa ginanap na double header games sa Lyceum Gym sa Intramuros, kahapon.

Pumuntos si Adrian Celada ng 27 points na dinagdagan ng 14 ni Rocky bukod sa 7 rebounds.
Kumana rin si Ian Mazo ng 13. Naghahangad ang Black Water Elite ni coach Leo Isaac na masungkit ang unang posisyon sa second round.

Nairehistro naman ng Max! Band Super glue Sumos ang pangalawang sunod na panalo para mapabilang sa apat na team na pawang tangan ang 2-1 slate sa Group B. Magkakahawig na tig-dalawang panalo kontra isang talo ang Cebu Lhuillier, FCA Cultivators, Max! Bond Sumos at ang Cobra Energy Drinks sa 17 composition.

Ipinalasap ng Sumos ang 77-75 na unang pagkatalo sa Cobra Energy Drinks sa kabayanihan ni Rudy Lingayan na bumuslo ng winning lay-up may limang segundo ang nalalabi sa laro kasunod ng 75-75 sa huling mga tirada nina  Paul Lee at Paul Sanga.

Nilipat sa Oreta Sports Center sa Malabon City ang banggaan ng Maynilad BS Junior Powerade at ang balikatang laro ng RnW at Freego Jeans sa Martes, Abril 19 simula alas-dos ng tanghali. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply