Pharex itatala ang malinis na 3-0 slate

NAKAUMANG ang pagtarak sa ikatlong diretsong panalo ng Pharex sa pakikipagharap nila laban sa PC Gilmore sa Group A ng PBA D-League bukas, Martes, sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Ang inaalot na PC Gilmore na tangan ang 1-1 win-loss slate ay tinalo ng Pacific Pipes, 72-76, bago naisukbit ang unang panalo sa laban nila sa Freego Jeans.

Sisimulan ang double header games sa pagitan ng Maynilad (1-0) at Cafe France (0-2) sa Group B. Ang Cafe France na binubuo ng mga manlalaro mula sa Centro Escolar University at nakasama ang matangkad na si Jewel Ponferada ay unang winasiwas ng paboritong Cebuana Lhullier Gems, 62-83, may dalawang linggo na ang nakararaan. Radito Torres/Photo by Rey Nillama

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply