PhilHealth law aamyendahan ni Sen. Recto

AAMYENDAHAN ni Sen. Ralph Recto ang nakapaloob sa Philhealth law na humahadlang sa bilang ng mga ipinanganganak na saklaw ng nasabing batas.

Sa ilalim ng Philheatlh law, ang mabebenipisyuhan at mapoproteksyunan ng batas ay hanggang sa ika-apat lamang na ipanganganak ng isang ina.

Ani Recto, ang nasabing batas ay maituturing na diskriminasyon

Sa pamamagitan ng naturang batas, mapipilitan ang isang ina na hanggang apat lamang ang kanyang magiging anak para makakuha nag benepisyo mula sa PhilHealth.

Dahil dito, nais ni Recto na amyendahan ang Sec. 2 ng RA 9241 na nagtatanggal sa limitasyon sa kung ilang bilang na dapat ipanganak ng isang ina.

Base sa pag-aaral ng National Statistics Office ng 2006, anim sa bawat sampung nanganganak ay ginagawa na lamang sa bahay sa pamamagitan ng hilot dahil sa mataas na bayarin sa mga ospital.

Lumabas din sa survey na sa bawat 100,000 nanganganak sa Pilipinas, 162 ina ang namamatay sa panahon ng kanilang pagbubuntis at panganganak. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply