Navy may bagong barko para sa Spratlys

NAKATAKDANG dumating sa bansa ang isang bagong barkong pandigma ng Philippine Navy mula sa United States of America na isasabak sa pagpapatrolya sa mga karagatang sakop ng Pilipinas kasama ang pinag-aagawang Spratlys o Kalayaan Group of Islands sa South China Sea.

Nabatid kay Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Alex Pama isang malaking karagdagan  ang bagong US-made Hamilton sea vessel sa sea asset ng Philippine Navy.

Ayon naman kay AFP spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta, Jr. ay patuloy ang ginagawang pagsasanay ngayon ng  ilang navy officers sa US na nakatakdang italaga upang mag-operate sa naturang sea vessel.

Inihayag pa ni Mabanta na darating sa buwan ng Hunyo ang Hamilton Class Vessel na una nang binili ng gobyerno sa Estados Unidos. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply