Photo journalist magsasampa ng kaso sa pulis

MAGSASAMPA ng kasong administratibo at kriminal ang photo journalist ng Abante laban sa isang pulis Maynila at iba pang kasamahan nito sa Manila Prosecutors Office kaugnay sa naganap na shoot-out incident sa bahay ng una noong nagdaang taon sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Atty. Hans Chester Nocom, magpa-file rin ng counter charge si Jasper Barcelon, 28, laban kay PO3 Arthur Martinez at iba pang pulis Maynila na  kasama nitong rumatrat sa kanilang bahay noong hatinggabi ng Disyembre 10.

Nangangamba naman si Barcelona sa kanyang seguridad dahil na rin sa mga umaaligid sa kanilang bahay na kalalakihan sakay ng isang kotse sa pagitan ng alas-2 at alas-4 ng madaling araw nitong nakalipas na linggo.

Naghain si Barcelona ng counter affidavit sa sala ni City Prosecutor Renato Gonzaga kung saan iginiit nito na “self-defense” lamang ang pagkakabaril nito kay Martinez.

Ayon sa photo journ, napilitan lamang itong gumanti ng putok sa mga pulis Maynila dahil binabaril ng mga ito ang kanilang bahay dahilan  naman upang tamaan ng bala ang kanyang tatay Roberto.

“Hindi ko alam kung may tinamaan ako. Basta pumutok lang ako doon sa nakita kong nag i-spark. Patay kasi ang ilaw kaya madilim. Later ko na lang nalaman na may tinamaan pala ng magkagulo na sila sa labas,” ayon kay Barcelon.

Itinanggi ng kampo ni Barcelon ang alegasyon ng kampo ni Martinez na nagpaputok rin ng baril ang kanyang kapatid nasi Jason at tatay na si Roberto.

Nag-ugat ang kaguluhan nang sitahin ni Jason ang isang lalaki na umihi sa kanilang gate.

Nauwi sa pagtatalo,hanggang sa urutin ng mga naglalamay na istambay ang  grupo ni Martinez na banatan na si Jasper.

Ang pagsasampa ni Barcelona ng mga nabanggit na kaso laban sa pulis at kasama nito ay kasunod na rin ng pagsampa nila ng kasong frustrated murder sa una.

Itinakda ang preliminary investigation sa darating na Mayo 6. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply