Piktyur ni Marian dinaut-daut: Dingdong Dantes minura ang production staff

CAPABLE nga bang magmura si Dingdong Dantes? As in mamumuking ina mo, etc?

Ito kasi ang isyu ngayon sa aktor matapos diumanong pagmumurahin ang staff ng  isang showbiz talk show.

Ang kuwento kasi, nagpa-schedule ng interview kay Dingdong ang isang  showbiz talk show.  One-on- one na panayam ito ng isa sa host ng programa na ang napagkasunduang venue ay sa mismong bahay nga raw ng aktor.

Ang nangyari, wala pa umano sa bahay niya si Dingdong nang dumating  ang staff ng show.  Wala pa rin at nakatakdang sumunod roon ang host ng show na siyang mag-i-interview nga sa aktor.

Nakati-katihan umano ng staff ng showbiz talk show na baguhin ang ayos ng ilang mga kagamitan sa sa isang area ng bahay nga raw ni Dingdong kung saan gagawin ang interview  including  daw ‘yong ilang bagay na bigay ng girlfriend ng aktor na si Marian Rivera na kung ituring nga raw ng binata ay isa  sa mga most cherished possessions niya.

Pagdating daw ni Dingdong, nagulat ito sa nabungaran niya na  nare-arrange nga ang ilang gamit at mga bagay sa kanyang house.  Nagalit daw ang  aktor.  Pinagmumura raw ang staff ng show.
Kasunod pa umano ay ang eksenang pagpapalayas sa mga ito.

Ganyan?

Actually, blind item lang nang una itong mapabalita. Pero sa clue na— dapat nag-Dingdong muna sa pintuan ‘yong staff ng showbiz talk, gets na kung sino nga ang aktor na tinutukoy.

Although may isa pang Dingdong sa showbiz, si Dingdong Avanzado.  Pero hindi naman ito aktor kundi singer, ano?

Anyway, for us ay over talaga ang kuwentong ito against Dingdong.  Sa  pagkakakilala kasi namin sa kanya, hindi siya marunong magmura.  Kaya hindi kami sukat makapaniwala.

Magalit siguro, oo.  Kahit naman siguro sino pa mang pagkabait-bait na  nilalang, capable magalit kung may dapat na ikagalit.  Tao rin lang si Dingdong  kagay nating lahat na puwedeng mag-burst out ang emotion.Lalo na memorabilia ni  Marian ang pinakailaman ng mga hitad, hahaha!

May kasabihan pa nga na ang taong mabait at tahimik, parang bulkan  kapag nagalit.  May pagkakamali rin naman kasi ang staff ng show.  Pakialaman ba kasing ire-arrange ang mga gamit sa bahay ni Dingdong nang walang permiso o abiso sa aktor.

Aba’y maski sino, magagalita talaga.

Naman!

oOo

Hindi pa rin tinatantanan ng batikos si Willie Revillame at ang  programa niyang “Willing Willie” kaugnay na in-upload na bideo ng isang contestant na anim na taong batang lalake na umiiyak habang nagma-macho dancing sa talent portion.

Sa ilang araw nang pinag-uusapan ang isyung ito, parang  sumasakay na nga ang tatay ng bata para magapag-usapan ang kanyang anak at pati na rin siya.  Tumawag pa ito kay Willie na nagsusumbong na may isang direktor daw kasama ng isa pang babae na pumunta raw sa bahay nila at sinabihan umano silang siraan si Willie.

Sinong direktor?  Taga-Channel 2 ba?  Bakit hindi tinukoy ng tatay ng  bata?

Ang dali kasing basta mag-claim na may kung sinong kumausap na ang utos  ay siraan si Willie. Kung talagang totoo ito, sabihin sana no’ng tatay ng bata kung sino nga.

Kasi, posibleng pag-ugatan na naman ito ng bagong intriga sa pagitan  nina Willie at ng ABS-CBN.  Kasi taga-saang network pa ba puwedeng paghinalaang connected ang direktor kung sakaling may kumausap nga sa pamilya o sa tatay ng bata kundi sa Dos?

Alangang namang GMA 7 ang magkakainteres manulsol halimbawa sa tatay ng  bata na siraan si Willie?  Care naman sa ng Kapuso Network sa usaping ito.

Mismo!  Ruben Marasigan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply