Pilar Pilapil ite-therapy

NAKALABAS na ng pagamutan ang actress/beauty queen na si Pilar Pilapil noong Biyernes Santo, Abril 22 at isasalalim pa ito sa therapy, pagkukumpirma ng kapatid nitong si Leo.

Ayon pa kay Leo, hindi pa muna haharap sa media si Pilar.

Prayoridad nito ang paggaling kaya naman magpapa-therapy muna ito.

Liban dito, hindi pa napag-uusapan ng pamilya ang susunod na hakbang hinggil sa kaso.

Si Pilapil ay natagpuang tadtad ng saksak sa Antipolo matapos na harangin ng dalawang armadong lalaki ang sinasakyang van sa Marikina River Banks kasama ang nawawala pang kaibigan na si Jakosalem. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply