Pilar Pilapil kinuripot ni Ruffa Gutierrez

SI TITA Annabelle Rama pala ngayon ang tumatayong spokesperson sa nangyaring carjack at pagkasaksak sa veteran actress na si Pilar Pilapil.

Nalaman namin ito sa golden birthday celebration ni katotong Jobert Sucaldito na ginanap sa Golden Bay Restaurant ni Mrs. Cely Wong na siya ang owner sa nasabing seafood resto kung saan sabay silang nag celebrate ng kanilang kaarawan.

Sinabi ni Tita A., nagbigay siya ng 50 thousand pesos para tulong sa kaibigan, nagpadala rin ang kanyang anak na si Richard ng 100 thou at si Ruffa 15 thou.

Agad nagbiro na may kasamang panlalait si Bisaya sa kanyang anak na si Ruffa kung bakit 15 thou lang ang binigay na tulong super coz kuripot daw talaga ang dating 2nd princess ng Miss World.

Sinabi naman ni Tita Daisy… “hayaan mo na day mas mayaman naman si Richard kay Ruffa wala pa itong mga anak na pinapakain.” Alam mo na!

Samantala, tuwang-tuwa naman si Mama Daisy sa nangyayari ngayon sa kanyang unica iha na si Danita Paner dahil sa sunod-sunod na projects niya sa TV5.

Bukod sa “Fantastik” niya na mapapanood ito every Sunday afternoon after ng “Lucky Numbers,”  siya rin ang gumanap sa buhay ng asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapuz sa “Star Confession” ni Tita Cristy Fermin sa isang special na palabas bilang paggugunita ng Lenten season.

Nakausap namin si Tita Cristy Fermin kasi nga marami ang nagtataka kung bakit inilagay sa Saturday ang “Star Confession?” At ayon sa kanya gawa lang daw iyon sa ginugunita nating Kwaresma at ibabalik din raw iyon sa dati niyang araw at oras every Wednesday pagkatapos ng mahal na araw. Alam mo na!  Wendell Alvarez

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply