Pilar Pilapil pinagsasaksak, kritikal

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang batikang aktres na si Pilar Pilapil matapos itong pagsasaksakin habang nawawala pa ang kasama nitong si Rosel Rosales.

Natagpuan ang duguang katawan ni Pilapil ala-una ng madaling araw sa isang lugar sa Marikina.

Sa inisyal na ulat, skay ng isang saksakyan ng dukutin umano  sina Pilapil at Rosales sa may Marikina River Banks ng dalawang armadong lalaki.

Dahil dito, agad na dinala sa ospital si Pilapil kung saan nasa kritikal na kondisyon dahil sa tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Mula sa Antipolo Hospital ay inilipat na ang dating beauty queen sa Medical City sa Pasig City.

Ayon kay Chief Supt. Emanuel Tabuena, ng Marikina police, patuloy ang imbestigasyon nila upang malaman ang buong impormasyon sa sinapit ng aktres.Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply