Pilar Pilapil kritikal sa dalawang carjacker

NAKIUSAP ang mister ng beteranang aktres na si Pilar Pilapil na huwag munang hingan ng impormasyon ang kanyang misis makaraang pagsasaksakin ng dalawang hinihinalang carjacker, Huwebes ng gabi sa Marikina City.

Sa inisyal na report ni Marikina City police chief Gabriel Lopez, iniimbestigahan pa nila ang nangyaring pananaksak sa biktima matapos silang pakiusapan ng mister ni Pilapil na pansamatalang iwasan muna ang pagbibigay ng anumang impormasyon sa media hinggil sa insidente.

“Nakiusap sa atin ‘yung asawa nya na huwag munang istorbohin si Ms. Pilapil kasi nagpapahinga pa,” paki-usap ni Lopez.

Batay sa paunang report ni Lopez, kasama ni Pilapil ang isang Rosel Rosalyn at sakay ng kotse ng huli sa isang bahagi ng Barangka, 9:00 hanggang 10:00  ng gabi nang bigla umanong agawin ang sasakyan ni Rosalyn ng dalawang armadong lalaki.

“Pinababa raw si Pilar sa bandang Antipolo kung saan siya humingi ng tulong sa mga tao pero may mga saksak na siya,” ani Lopez.

Si Pilapil ay agad na isinugod sa Antipolo Medical Center sa Masinag bago inilipat sa Medical City  sa Ortigas, Pasig City na sa ngayon ay nagpapagaling na.

Hindi pa umano makontak ng awtoridad ang kasamang babae ni Pilapil. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply