Pilipinas hihingi ng ayuda sa UN

HIHINGI ng ayuda ang Pilipinas sa United Nations (UN) upang maisalba ang mahigit sa 100 overseas Filipino workers (OFWs) sa magulong lugar ng Misurata, Libya.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Libyan Foreign Minister Adelati Obeidi, hiniling ni Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario na iligtas ang mga naiipit na Pilipino sa Misurata dahil sa bakbakan ng mga puwersang kontra at kampi kay Libyan President Moamar Ghadafi.

Batay sa pinakahuling ulat na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy ang palitan ng putok ng magkatunggaling pwersa upang makontrol ang bayan ng Misurata.

Ayon pa kay del Rosario, nangako si Obeidi na hihingin ng pamahalaan ang tulong ng UN upang mailabas ang mga Pilipinong nais umalis sa magulong lugar.

Nakipagpulong din si del Rosario kay Libyan Health Minister Mohammed Hijaze kung saan kinilala ng huli ang kabayanihan ng mga Pilipinong naglilingkod sa kanilang mga pagamutan sa kabila ng krisis sa pulitika.

Kabilang sa mga pinasalamatan ay ang limang nars na halos isang buwang hindi nakalabas ng Misurata subalit nakuha pa rin manggamot ng mga sugatan sa labanan. Freddie Cortez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply