Dyowang tibo inayawan ng nanay, nene naglason

MATAPOS pinagbawalan ng ina na makipagrelasyon sa kapwa babae ay winakasan ng 14-anyos na dalagita ang kanyang buhay nang uminom ng silver cleaner, Lunes ng gabi, Abril 11 sa Tondo Maynila.

Kinilala ang biktima na si Shabangi Singh Jierh Escario, Indian national, ng 9 Quezon St., Tondo, Maynila.

Sa report ng Manila Police District-Station 1, dakong 7:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng comfort room ng bahay ng biktima.

Nabatid na tutol umano ang ina ng biktima sa pakikipagrelasyon ng biktima sa kapwa niya babae hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo at palitan ng maaanghang na salita.

Hindi naman akalain ng ina ng biktima na didibdibin ng anak ang kanyang mga pangaral.

Matapos ang pagtatalo ay pumasok sa kanilang banyo ang dalagita at ini-lock ang pinto.

Nang ilang oras pa at hindi pa lumalabas ng banyo ang biktima ay kinabahan na ang ginang kaya dali-dali binuksan ang pinto pero laking gulat nang makita ang anak na nakahandusay na sa sahig, katabi ang bote ng silver cleaner (Cyamid).

Agad na dinala ang dalagita sa Mary Johnston Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply