Pinagdudahang espiya niratrat ng NPA rebels

PINAULANAN ng bala ng baril hanggang sa mamatay ang isang 36-anyos na magsasaka, na una nang napagdududahan ng New People’s Army (NPA) na espiya ng militar at pulisya..

Ang napaslang ay kinilalang si Rex Reyadulla, na umano’y dinukot ng mga rebeldeng NPA sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Cambuga, Mulanay, Quezon.

Si Reyadulla ay pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na agad nitong ikinasawi.

Sa ulat ng Mulanay Police Station, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang maraming basyo ng bala mula sa M16 rifle.

Gayundin ay natagpuan sa tabi ng nakahandusay na biktima ang isang sulat na umano’y mula sa Maria Teresa De Leon Command, isang yunit ng NPA. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply