Pinas kulang sa pondo para pag-aralan ang epekto ng nuclear meltdown

INAMIN ni Dr. Almandra M. dela Rosa, director ng Philippine Nuclear Research Institute ng Department of Science and Technology (DOST), na wala silang sapat na pondo para magampanan ng maayos ang kanilang mandato.

Ito ang lumabas sa ginawang pagdinig Miyerkules, Abril 6, ng Senate committee on health and demography na pinamumunuan ni Sen. Pia Cayetano ukol sa kung ano ang magiging epekto sa Pilipinas ng nuclear meltdown sa Fukushima, Japan at kung ano ang paghahanda ng gobyerno para rito.

Nanawagan si dela Rosa sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na kung tulungan sila na mapunan ang kanilang pondo upang magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin lalo na ngayong kinakailangan sila sa pag-aaral sa posibleng epekto ng nuclear meltdown sa bansa.

Lumabas din sa nasabing pagdinig na hindi ligtas ang isang tao na tinamaan ng radiation exposure matapos na ipaliwanag ni Dr. Romeo Quijano, professor ng UP Department of Pharmacology and Toxicology, kung saan iginiit nito na posibleng magkasakit ng malubha ang biktima tulad ng leukemia. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply