Pinas posibleng abutin ng radiation

SAKALING tuluyang sumabog ang Nuclear Power Plant sa Fukushima, Japan ay mas delikado ito kaysa Chernobyl Nuclear Power Plant Disaster sa Ukrainian SSR noong Abril 26, 1986.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate health committee sa radiation ng nuclear power ng nasabing bansa, sinabi ni Dr. Romeo Quijano, UP professor ng Department of Pharmacology and Toxicology, delikado ang Fukushima Daichi  Nuclear Power Plant kung tuluyang sumabog at nag-expose ang radiation nito tulad ng nangyari sa Chernobyl dahil sa sampung beses na mas malaki ang fuel storage.

Ipinaliwanag ni Quijano sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Sen. Pia Cayetano sa pamamagitan ng power point presentation na hindi ligtas ang tao sa anumang radiation exposure na maaaring magkaroon ng cancer at iba pang sakit.

Hindi rin maiwasan, ani Quijano, ang posiblidad na umabot ang radiation ng Fukushima Daichi Nuclear Power Plant sa bansa.

Lumabas din sa pagtatanong ni Cayetano na maari ng umabot sa Pilipinas ang naturang radiation sa pamamagitan ng hangin.

Hindi naman itinanggi o kinontra ni Dr. Alumanda M. dela Rosa, director ng Philippine Nuclear Research Institute ng Department of Science and Technology, ang naging banta ni Quijano ukol sa magiging epekto ng radition sa bansa at sa mamamayan, maging ang posibilidad na pagtama nito sa Pilipinas. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply