Pinay na namatay sa Lebanon imbestigahan

NANANAWAGAN ang mga militanteng manggagawa sa pamahalaan na magsagawa ng malawakang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng isang Filipina domestic helper sa Lebanon.

Ang pagkamatay ng Pinay worker ay nabatid ng Migrante-Middle East mula sa pahayagan sa Lebanon.

Ang Pinay ay kinilala sa pangalang Marites Panno, na natagpuang patay sa balkonahe ng bahay ng kanyang amo sa Hasbaya, Lebanon.

Nagbigti diumano si Panno.

Batay na rin sa balitang natanggap ng grupo, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad ng Lebanon sa mga doktor na sumuri sa bangkay ng biktima at gayundin sa bahay na pinangyarihan ng insidente.

Ang pagkamatay ng domestic helper ay pinagdududahan ng grupo ng regional coordinator na si John Monterona dahil may mga ulat silang natatanggap na mayroong mga Lebanese employer na pinagmamalupitan ang kanilang kasambahay.

“This prompted the PH government to impose a ban on deploying OFW-domestic workers in Lebanon,” ayon kay Monterona. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply