Pinkamadugong araw sa Syria, 42 patay

ITINUTURING kahapon ang pinakamadugong araw sa ginagawang pagpoprotesta sa bansang Syria kung saan ay 42 katao ang nasawi nang pagbabarilin at i-tear gas ng mga security forces ang mga nagra-rally.

Tila hindi na takot ang mga nagra-rally dahil kahit marami na sa kanila ang napatay ay hindi pa rin ito nabuwag bagkus ay lalong pang dumami.

Ang kanilang isinisigaw ngayon ay ang pagpapaalis kay President Bashar Assad. At ang karamihan sa mga demonstrador ay sumisigaw ng “We are not afraid”.

Marami sa mga napatay ay sa lungsod ng Daraa ayon kay human rights activist Mustafa Osso.

“Nobody can move in Daraa. They have snipers on the high roofs. They are firing at everything,” ayon sa isang residente.

“Gunfire is heard across the city all the time. People are getting killed in the streets by snipers if they leave their homes,” pahayag naman ng isa pang residente na ayaw magpabanggit ng pangalan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply