Pinoy direktor inisnab nina Maggie Smith, Vanessa Redgrave at Judy Dench

NOONG una ay pursigido ang kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel (“Moma,” “Ec2Luv,” “Mona, Singapore Escort,” “When A Gay Man Loves,” “Mga Paru-Parong Rosas,” “Latak,” “HiStory,” “Moving Dreams” at “Strictly Confidential”) na kunin ang serbisyo ng mga beterana, sikat at respetadong mga aktres na taga-Hollywood at England na sina Maggie Smith, ang gumaganap na Professor Mcgonagall sa “Harry Potter” series, Vanessa Redgrave, ang premyadong bituin na lalong sumikat sa “Julia” at Judy Dench, ang laging gumaganap na sekretarya sa Secret Service ni James Bond.

Tutal, nag-aaral naman si Jowee sa University of Greenwich sa London sa United Kingdom kaya nando’n lang sa kanyang pali-paligid ang  mga bating na artistang ito.

Noong una ay short film lang ang itinalaga ng proffesor ni Morel sa kanilang mga estudyante pero ipinakiusap at ipinaggitgitan ng Fil-Briton na filmmaker na isang full-length feature na ang kanyang gagawin at pumayag naman ang kanyang guro.

Kaya sinulat niya ang dulang pampelikula ng “Leona Calderon,” ang OFW na may uterine cancer at ang naisip na gumanap sa isang matandang babaing kakandili kay Leona ay isa kina Vanessa, Judy at Maggie.

Kahit sabihing inisnab siya, okey lang basta’t walang pag-iilusyon.

Pero ang kapalit naman ng higanteng tatlong bituin ay isa ring makapangyarihan at malaking aktres sa Hollywood at UK.

“Pumayag si Virginia McKeena para lumabas sa pelikula,” masayang pagbabalita ni Jowee.

Sino si Virginia McKeena?

Sosyal, mga kaibigan si Virginia McKeena dahil kapantay rin siya nina Dench, Redgrave at Smith sa kasikatan at kahusayan sa pelikula at telebisyon sa UK.

Nominado lang naman si Virginia Golden Globe Awards sa 1966 na pelikulang “Born Free” katambal ang kanyang naging huling mister na si Bill Travers.

At nagwagi siya ng Best Actress award para sa London musical production ng “The King and I” katambal, higit sa lahat, si Yul Bryner kaya paanong sasabihing walang binatbat si McKeena.

“I’m so excited to work with Virigina McKeena. She’s an amazing woman and a damn good actress,” wika pa ni Morel na nakatakdang dumating sa Pilipinas isa sa mga araw na ito para sa maikling bakasyon at mag-shoot ng konting bahagi ng “Leona Calderon.”  Boy Villasanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply