Pinoy naging interesado sa warning devices

DAHIL sa natural disasters na nagaganap sa iba’t-ibang bansa, dumadami ang bilang ng ating mga kababayan na interesado na sa paggamit ng mga warning devices na nakatuon sa babala sakaling magkaroon ng kalamidad.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, 56% ng mga Pinoy ang humiling na dapat maging prayoridad ng pamahalaan ang pagkakaroon ng mga warning mechanism bilang bahagi ng disaster preparedness.

Sa isinagawang survey ng Pulse Asia, kasunod nito ang paghahanda ng relief goods na nakakuha ng 19%, pagtukoy sa evacuation center 16% at pagbili ng mga kagamitan sa pag-rescue.

“It is good to know that many of our citizens are aware of the importance of establishing effective early warning systems in their communities. This should prompt the government, especially the local governments and barangay officials to work on it immediately,” ayon kay Legarda, chairman ng senate committee on climate change.

Aniya, hindi naman malaki ang halaga sa pagbili ng mga early warning device at pagsasanay para sa mga volunteer bilang paghahanda sakaling magkaroon ng kalamidad.

Sinabi pa ni Legarda na ang mga komunidad na namumuhunan sa early warning devices ay malaki ang posibilidad na kaunti ang magiging apektado ng kalamidad.

“Effective early warning does not have to be costly. Sirens or whistles can be used as early warning devices and training programs for volunteers can facilitate awareness and education on disasters and arm the community against the perils of hazards,” giit ni Legarda. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply