Pinoy riders aarangkada sa World Motocross Series

MULING bubuhayin ng mga motocross riders ng bansa ang kanilang rivalry at target na glorya at katanyagan sa pagharurot ng 2011 Enersel Forte Philippine National Motocross Series and World Motocross Series-4th leg sa Sta. Barbara, Iloilo ngayong Sabado, Abril 9.

Ang mga batikang sina Glenn Aguilar, Jovie Saulog at Donark Yuzon ang mga mangunguna sa pag-arangkada sa local field ng dalawang araw na karera na magsisilbi ring kick-off event ng una sa mga international races na inorganisa ng Sel-J Sports.

Mangunguna naman sa mga international riders sina American John “The Mann” Locks at German siblings Daniel at Kai Sedlak.

Si Daniel Sedlak, 22, ang nanalo sa Dubai Motocross Championships noong 2007.

Ngunit hindi naman magpapahuli si Aguilar, former Asian Motocross champion, sa pagsabak sa bagtasing matatagpuan malapit sa Sta. Barbara International Airport.

Ang Iloilo stop ng Motocross World Cup ay una sa apat na international races na hinati sa 12-leg circuit na ang grand finale ay haharurot sa Disyembre 10-11 sa Tubud, Lanao del Norte. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply