Piston nagbanta ng panibagong tigil-pasada

DAHIL sa walang humpay na pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo, muli na namang nagbanta ang militanteng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ng isang malawakang tigil-pasada sa susunod na buwan.

Ayon kay Piston secretary-general George San Mateo, ang transport strike ilulunsad matapos ang paggunita ng Labor Day (ika-1 ng May), ang araw na itinakda para sa pamamahagi ng Smartcards.

“After May 1, tutuon na ang Piston sa paghahanda ng second of the national day of protest… Tigil-pasada na tayo sa buong Metro Manila at sa ibang bahagi ng bansa,” ayon kay San Mateo

Ipinaliwanag ni San Mateo na ang ginanap na kilos-protesta sa harap ng gusali ng mga oil company at parte ng tinaguriang “build-up” para sa pambansang tigil-pasada.

Sinabi pa ni San Mateo na igigiit ng mga jeepney operators at drivers sa pamahalaan ang pag-aalis  ng 12 porsiyentong value-added tax sa produktong petrolyo.

Ito umano ang mas magandang hakbang kesa ang “Pantawid Pasada” program.

“Ang kailangan ng drivers ay tulong sa pagpigil ng taas ng presyo. I-suspend ang 12 percent VAT sa langis, mas malaki ang benepisyo nito sa mga driver,” ani San Mateo.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Undersecretary Jay Layug na habang ang administrasyo ay patuloy na tumatanggi para alisin ang 12% VAT sa produktong langis, inatasan naman ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang economic managers na humanap ng ibang pamamaraan para masugpo ang pagtaas sa presyo ng langis.  Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply