Plane crash sa Congo 32 ang patay

PATAY ang 32 katao matapos bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano ng United Nations (UN) sa Democratic Republic of the Congo.

Kabilang sa mga nakasakay sa nasabing eroplano ay mga opisyal ng UN at peacekeepers mula sa northeastern city ng Kisangani papuntang N’Djili airport sa Kinshasa.

“The Fokker 100 plane, run by the UN mission in DR Congo, MONUSCO, smashed into pieces when it hit the runway as the pilot tried to land in torrential rain,” pahayag ng mga saksi sa insidenete.

Ito na ang itinututring na isa sa pinakamalalang aksidente na sangkot ang UN, ayon sa spokesman ng pandaidigang organisasyon ng mga bansa.

Sa pahayag naman ni UN deputy spokesman Farhan Haq, 33 ang sakay ng nasabing eroplano at isa lamang dito ang nabuhay.

Base sa ulat, karaniwan umano ang  plane crash sa DR Congo subalit ngayon lang  nadawit ang UN transport. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply