Plea bargain sa kakanta sa drug cases isinulong

INIHAIN ni Sen. Gringo Honasan ang panukalang batas na magpapahintulot sa plea bargaining o aregluhan sa mga kaso ukol sa bentahan ng iligal na droga.

Nakapaloob sa Senate Bill 112, papayagan ang plea bargaining sa drug-related cases sa kundisyon na ikakanta  ng isang akusado ang mga taong batid nito ay sangkot sa mga gawaing may kinalaman sa illegal drugs.

Kailangan ding sabihin sa mga awtoridad ang kinaroroonan ng mga sindikato, ang imbakan ng iligal droga at ang modus sa pagpupuslit at pagbebenta ng mga ito.

Aamyendahan nito kung sakali ang umiiral na Dangerous Drugs Act of 2002, na ipinagbabawal ang plea bargaining sa drug cases.

Nakapaloob din sa panukalang batas ni Honasan na ituturing nang krimen ang pagiging drug mule o exporter ng droga na may katapat na habambuhay na pagkakabilanggo.

Pahihintulutan ang wiretapping at electronic surveillance sa mga drug suspect at pananagutin din bilang kasabwat sa krimen ang mga nagpaparenta ng gusali, bodega o bahay na ginagamit ng mga drug syndicate. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply