Kasong plunder vs GMA di uusad, ayon kay Duque

KAMPANTE si Civil Service Commission (CSC) chief Francisco Duque na hindi uusad ang kasong plunder na isinampa laban sa kanya ni dating Solicitor General Frank Chavez kaugnay sa maling paggamit ng P530-milyon healthcare fund para sa overseas Filipino workers (OFWs).

Si Duque ay sinampahan ng kasong pandarambong kasama si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na ngayon ay kinatawan na ng Pampanga sa Kamara de Representantes.

Ayon kay Duque, dating presidente ng PhilHealth, ang mga alegasyon ni Chavez ay hindi nakaaapekto nang malaki sa kanyang trabaho sa CSC.

Abala umano ito sa ngayon sa pangangalap ng mga kinakailangang dokumento upang pabulaanan ang akusasyon ni Chavez.

Mariing itinanggi ni Duque na nagkaroon ng anomalya sa paglilipat ng pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kanyang tanggapan.

Iginiit ni Duque na hindi ginamit sa nakaraang eleksyon ang nasabing P530-milyon pondo ng OWWA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply