PNoy admin yayanigin ‘pag tumanggi sa P125 fare hike

NAGBANTA kahapon ang isang militanteng grupo kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na magsisisi ito kung hindi niya pagbibigyan ang hinihinging P125 wage hike ng mga manggagawa sa Mayo 1.

Ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano, daig pa ng magkasabay na tsunami at lindol ang tatama sa administrasyon ni Pangulong Aquino ngayong tag-araw kung hindi makikinig sa panawagan ng mga manggagawa.

Aniya, “perfect political storm” ang kakaharapin ng Presidente dahil libu-libong empleyado ang magrarali dahil sa kawalan ng desisyon ng Malakanyang hinggil dito.

Matatandaang sinabi ni Communications Secretary Ricky Carandang na ang pagtataas ng sweldo ay mangangahulugan ng inflation sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Mariano na hindi alam ni Carandang ang kanyang sinasabi.

Aniya, marahil ay hindi nararanasan ni Carandang kung paano pagkasyahin ang kakarampot na P404 minimum wage dahil malaki ang kanyang sweldo.

Isa pa, suportado umano dati ni Pangulong Aquino ang wage hike noong mambabatas pa siya, kaya kataka-takang ayaw niya itong ibigay ngayon.Nenet L. Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply