PNoy ‘di na dapat mag-asawa – Bishop Cruz

AYON kay retired Archbishop Oscar Cruz ng Lingayen-Dagupan, sa edad na 51 ay hindi na dapat pang mag-asawa si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino bunsod nang posibilidad na hindi maging matagumpay ang kasal.

Ipinaliwanag nito na batay sa datos ng church courts, lumilitaw na ang mga ikinakasal na lagpas sa edad na 50 ay hindi nagiging masaya ang buhay may-asawa.

Hindi na kasi umano nagbe-blend o nagkakasundo ang mga ikinakasal na ang edad ay mahigit 50-anyos dahil iba na umano ang pananaw nito kumpara noong mas bata pa ang kanilang edad.

Sa kabila naman nito, tumanggi Cruz na magkomento sa tanong na kung sa kaniyang palagay ay hindi ba magiging epektibo si PNoy kung mayroon itong asawa.

Si Pangulong Aquino ang kauna-unahang pinuno ng bansa na binata kaya’t madalas na maging kontrobersyal ang “love life” nito. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply