PNoy hinamong madaliin ang 6% tapyas sa EVAT

HINAMON ng isang kaalyadong kongresista si Pangulong Aquino na sertipikahang urgent ang panukalang pagtatapyas ng 6% sa 12% expanded Value Addedd Tax na ipinatutupad sa mamimili.

Ang hamon ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas kay PNoy na “magiging totoo ang inyong administrasyon sa mga salitang “kung walang corrupt, walang mahihirapa”  kung papayagan ng Palasyo ang panukala na agad matalakay sa susunod na pagpupulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Umaasa si Mandanas na pahahalagahan ni Pangulong Aquino ang kanyang pagsusulong na bawasan ang tax payment ng mamimili mula sa Value Added Tax (VAT) rate ng 12% sa mababang Value Simplified Tax (VAST) rate na anim na porsiyento (6%).

Tiwala si Mandanas na ang VAST bill ang malaking ambag ng Kamara sa pagsusulong ng pamahalaan na mapababa ang kakulangan sa badget.

Ipinaliwanag ni Mandanas na pangunahing layunin ng VAST bill ay maalis ang Input Tax Credit System na posibleng pagmulan ng korapsyon at kumakain ng koleksyon sa buwis ng gobyerno. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply