PNoy kay PCG chief Liwag: Maging marangal

HINAMON ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang bagong commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) na maging marangal sa paglilingkod sa bayan.

Ipinahayag ni PNoy ang mensahe kasabay ng turnover ceremony sa Coast Guard at pormal na pagsasalin ni Vice Adm. Wilfredo Tamayo sa kanyang posisyon kay Vice Adm. Ramon Liwag.

Sinabi ng Pangulo na tiwala siyang pamumunuan ni Liwag ang PCG na may dedikasyon at sakripisyo tulad ng ipinakita ni Tamayo.

Ayon din kay Aquino, umaasa siyang hindi padadala sa tukso ng katiwalian si Liwag at hindi bibiguin ang taumbayan.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga opisyal at tauhan ng PCG na suportahan ang kanilang bagong pinuno upang magpatuloy ang mga nasimulang reporma.

Mataas na umano ang pagtingin ng tong-bayan sa Coast Guard, dahil sa kanilang performance sa oras ng kalamidad.

Maliban umano sa rescue mission, maaasahan din ang PCG sa kampanya laban sa iligal na droga at pagbabantay sa seguridad sa baybaying-dagat. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply