PNoy kay Mikey: ‘Ipakita mo na lang ang ITR mo’

PINAYUHAN ng Malakanyang si Ang Galing Pinoy party-list Rep. Mikey Arroyo na magpakita na lang ng income tax return para patunayang nagbabayad nga siya ng buwis.

Tinuran ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ‘simple’ lamang ang gagawin ng kongresista, ang magpakita ng income tax return (ITR) sa tanggapan ng pamahalaan kung saan aniya puwedeng kumuha ng form.

Subalit, kung walang maipakita, malabo nga’ng nagbayad ito ng kanyang income tax.

Sa kabilang dako, sinabi ng Chief Executive na hindi niya hina-harass ang pamilya Arroyo sa pahayag niyang ito.

“Ulitin ko lang, ang basis ‘nung pagkapaliwanag sa akin ng DOF at ng BIR, mayroong Statement of Assets and Liabilities (SAL) na fina-file as required by law. ‘Yung SAL nagi-increase, ‘yung income tax returns walang makita,” anito sabay sabing

Dagdag pa ng Pangulo, “The only issue is he earned income that can be clearly seen in the SAL that has been increasing. … Kung nagbayad ka ng buwis, ipakita mo ang income tax return mo. Tapos ang issue.” Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply