2 mahistrado itatalaga ni PNoy sa SC

DALAWANG mahistrado pa sa Korte Suprema ang nakatakdang italaga ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III dahil sa mababakante ang posisyon ng mga magreretirong sina Associate Justices Conchita Carpio-Morales at Antonio Eduardo Nachura sa darating na Hunyo.

Una nang binabatikos ang SC dahil sa pagiging “Arroyo court” nito dahil 14 sa mga mahistrado ay pawang appointee ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo habang iisa lamang ang appointed ni Aquinio, si Associate Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa ngayon, abala na ang Judicial and Bar Council (JBC) sa paghahanda para sa shorlist na kanilang isusumite kay Pangulong Aquino na naglalaman ng mga kuwalipikadong indibidwal na maaaring pumalit kina Morales at Nachura.

Ayon sa SC hanggang Abril 29 ang deadline sa pagtanggap nito ng aplikasyon at nominasyon para sa nasabing mababakanteng posisyon sa SC.

Ang JBC na pinamumunuan ni Chief Justice Renato Corona ang siyang nangangasiwa sa selection process ng mga aplikante na dadaan sa public interview at pagkatapos nito ay magsusumite ng shortlist na pagbabasehan ni Pangulong Aquino.

Sa datos ng JBC, mayroon nang 28 aplikante para sa nasabing posisyon.

Ang mga miyembro ng JBC ay kinabibilangan nina Justice Secretary Leila de Lima, Senator Francis Escudero, retired SC Justice Regino Hermosisima, Iloilo Rep. at  House Justice Committee Chairman Niel Tupas Jr. at retired Court of Appeals (CA) Justice Aurora Lagman. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply