PNoy natuwa sa pagbibitiw ni Merci

IKINATUWA ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang kusang-loob na pagbibitiw sa puwesto ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sinabi ng Chief Executive na bagama’t nagulat siya sa naging desisyon ng nasabing opisyal ay nabunutan naman siya ng tinik dahil masisimulan na niya ang repormang matagal na niyang gustong gawin sa Office of the Ombudsman.

Sa kabilang dako ay nanghinayang naman si Pangulong Aquino sa oras at panahon ng mga mambabatas sa inilaan nila sa paghimay ng impeachment complaint laban kay Gutierrez.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Aquino na personal na isinumite sa kanya ni Gutierrez ang letter of resignation nito epektibo Mayo 6.

“Her action has spared the country from a long and divisive impeachment process that would have distracted our lawmakers from dealing with the many problems we face today,” ayon sa Pangulo.

Sa pagbibitiw ni Gutierrez ay nabigyan ng pagkakataon ang pagtatalaga ni Pangulong Aquino ng bagong Ombudsman.

“I asked the Executive Secretary and other legal counsels to check on that,” anito.

Inatasan ni Pangulong Aquino ang Judicial and Bar Council na magsimula ng maghanap ng bagong Ombudsman.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panahong inilaan para maisulong ang impeachment complaint laban kay Gutierrez.

“With the support of the public, we can now proceed more decisively in making government officials more accountable to the Filipino people.” Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply