PNoy panay ang hagupit sa mahihirap

KINONDENA Biyernes, Abril 15, ng mga miyembro ng Anakpawis ang umano’y tripleng hagupit sa mamamayan ng tumataas na presyo ng bigas.

Ayon kay Anakpawis Partylist Executive Vice President Joel Maglunsod, masa pa ang pinararatangan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na aksayado sa kanin.

Balak pa umano ni Aquino na magpatupad ng mga pagbabawal sa unlimited rice at mga artipisyal na pagkontrol sa krisis.

Kamakailan ay nanawagan ng National Food Authority (NFA) na huwag nang mag-serve ng extra rice ang mga kainan.

Tumanggi ang Department of Agriculture na may krisis sa bigas dahil sapat umano ang nakatago sa bigasang pambansa, ngunit hindi umano nila matiyak kung tataas ang presyo ng bigas at iba pang bilihin.

Ani Maglunsod, ang mga mahihirap ang biktima sa krisis sa bigas kaya hindi puwedeng sila ang may kasalanan dito.

Idinagdag pa nito na dumarami na ang mamamayang nagugutom. Mula umano sa 3.4 milyong pamilya noong nakaraang taon ay umakyat ito sa 4.1 milyon ayon mismo sa SWS survey.

Itinulak ng Anakpawis ang pagsasabatas sa House Bill 3105 na patungkol sa komprehensibong pagpapaunlad sa lokal na industriya ng bigas. Nenet L. Villafania

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply