PNoy p’wede pang mag-asawa

NAKAKITA ng kakampi sa Senado si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa naging patutsada ni dating archbishop Oscar Cruz na huwag na itong mag-asawa at manatiling “bachelor” na lang.

Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, hindi totoo na kapag nag-asawa si Aquino ay magiging unstable ang takbo ng pamahalaan, kung sakaling hindi sila magiging compatible ng magiging partner nito.

Anang senador, may karapatan si Aquino na mag-asawa kahit na lagpas na 50 anyos na ito.

Sinabi nito na hindi pa naman masyadong matanda ang Pangulo para makahanap ng ka-partner sa buhay.

Iginiit nito na hindi hadlang ang edad ng isang tao para makapag-asawa dahil kahit lagpas na sa 60 anyos ay may karapatan pa ring lumigaya at magmahal. Vicky Cervales

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply