PNoy sinundot sa lumalalang kahirapan

BULAG si Pangulong Aquino sa kahirapan na nagaganap ngayon sa lipunan.

Ani Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino, ‘socially blind’ si PNoy dahil hindi nito matanggap na nagpatuloy ang paghihirap at pagkaranas ng kagutuman ng mas nakararaming Pilipino sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ikinadismaya ng kongresista ang kawalan ng pakiramdam ni PNoy sa kaganapan sa lipunan.

“The President’s expressed disbelief on the rising poverty and hunger incidence is a sign that he is socially blind to the hardships of the poor.  In the throes of nonstop commodity price increases, lack of jobs, low wages, landlessness and other social problems, the President of all people should understand that the people’s lives are far from comfortable,” sinabi ni Palatino.

Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula March 4 hanggang March 7, sinabing may 20.5% sa kabuuang 1,200 na respondent na sila ay nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan samantalang 51 porciento ay nagsabing sila ay mahirap.

“Sabi po ng Pangulo ang mamamayan ang kanyang ‘boss’. Pero bakit po pag dumadaing ang mamamayan na sila ay naghihirap at naguguton, sila ay pagdududahan ng Pangulo at ang paniniwalaan ay ang bulong ng kanyang mga economic advisers at kaibigang negosyante?”

Binatikos din ni Palatino ang pansamantalang pagtatakip o “band aid solutions” ng administrasyong sa lomolobong kahirapan sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer (CCT).

Ipinagtanggol naman ni Quezon City Rep. Winnie Castelo si PNoy sa pagsasabing ang kahirapan ay dinaranas ng buong mundo at hindi lamang ng mga Pilipino.

Kung si Palatino ay binatikos ang CCT pinuri naman ni Castelo ang implementasyon ng CCT at ang subsidiya sa gasolina na tulong sa may apat na milyong mahihirap na Pilipino. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply