PNoy suportado ng oposisyon sa RH Bill

KAHIT magkalaban sa ilang prinsipyo, sinuportahan ng isang miyembro ng oposisyon si Pangulong Benigno Aquino III sa pagsusulong na maisabatas ang reproductive health bill na nakabinbin pa sa Kongreso.

Nitong Eastern Sunday, nagpahayag si Sen. Pia Cayetano ng pagsuporta kay Pangulong Aquino sa ititulak nitong RH Bill kahit pa nagbanta ang Simbahang Katoliko na isasailalim sa ex-communicado ang sinumang kakatig sa panukala.

Ayon kay Cayetano, makakaasa ang administrasyon ni Pangulong Aquino ng suporta mula sa oposisyon dahil nanginginita nito ang pag-asang magkakaroon ng katuparan ang pangarap nitong pagtibayin ng Kongreso ang RH Bill na mahigpit na kailangan para sa pangangalaga ng kababaihan at sanggol.

Dinidinig ng Senate committee on health and demography na pinamumunuan ni Cayetano ang RH bill na bersiyon ng Mataas na Kapulungan hinggil sa Senate Bill 2378 na inakda at inihain ni Sen. Miriam Defensor Santiago.

Hinikayat din ni Cayetano ang taumbayan na maging bukas ang kaisipan at maging kritikal sa isyu at huwag magpapadala sa mapanlinlang na kritisismo laban sa panukala. Ernie Reyes/Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply