PNoy walang kinikilalang boss ang nagugutom

PINAIIMBESTIGAHAN na umano ng Malakanyang ang mga sunod-sunod na oil price hike na may halong rollback.

Yun bang === nakaiintriga umano ang hindi pagtutugma ng pagtataas o pagbababa ng presyo ng mga kompanya ng langis.

Mayroon kasing mga nagtaas-presyo sa isang araw pero nagbawas-presyo naman ang iba.

Pare-pareho ang rason ng mga kompanya ng langis sa oil price hike o rollback pero lumikha ng pagdududa ang pangyayari.

Sa monopolyo, kung magtataas-presyo ang isa, susunod ang lahat at kung magbabawas-presyo ang isa, susunod din ang lahat. Nagkakadiperrensiya lamang sila ng presyo para sa gawan ng mga kostumer.

Pero iba nga ang nangyari dahil habang may nagtataas ng presyo, may nagbawas-presyo naman.

Ano ang dahilan?

Palatandaan ba ito ng pandurugas ng mga kompanya ng langis? Ang totoo, matagal nang nagdududa ang taumbayan sa pagtataas ng presyo ngayon.

Anak ng sampung putakte, sino naman ang hindi magdududa kung ang OPH ngayon ay katumbas na ng OPH noong 2008 na umabot sa $147 ang bawat bariles sa pandaigdigang pamilihan? Eh nasa $110 kada bariles lang naman ang presyo ngayon?

Pero heto ang isang nakaloloko sa taumbayan.

May nagsasabing natatakot ang gobyerno na baka gagawa umano ang mga kompanya ng langis ng shortage kung kakantihin sila ng imbestigasyon ng gobyerno.

Kaya malamang umano na magiging palipad-hangin na lang ang ikinakasang imbestigasyon.

oOo

Sa gitna ng lahat ng ito, dapat na magbantay si Pnoy.

Ang isa sa mga dapat na tatandaan ni Pnoy ay binabantayan siya ng taumbayan kung ano-ano ang mga pinaggagawa nito ukol sa langis.

Binabantayan siya hindi dahil sa lokohan o takutan sa OPH at rollback kundi dahil sa ibinubunga ng OPH na krisis sa araw-araw na buhay ng mamamayan.

Ang dami nang naghihirap at nagugutom sa sobrang mahal na petrolyo. Hindi pupuwedeng magtiis na lang sa gutom at kahirapan ang taumbayan at antayin ang pangako ng pagbabago mula kay Pnoy.

Dapat na hindi antayin ni Pnoy ang araw na walang nakikilalang BOSS ang taong nagugutom at naghihirap.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply