PNP babalasahin sa susunod na linggo

ISANG malawakang balasahan ang inaasahang mangyayari sa susunod na linggo ang hanay ng pambansang kapulisan, ayon sa isang ulat.

Dalawang matataas na opisyal ang nakatakdang magretiro ngayong buwan.

Ngayon ang ang ika-56 na kaarawan ni CIDG Director out going Police Director Leonilo dela Cruz ng Class 1978.

Maugong ang balitang ang dalawang posibleng hahalili kay Dela Cruz ay sina Region 4A Director Samuel D. Pagdilao Jr. o si Region 8 Director Gil Meneses.

Nakatakda ring magretiro si Deputy Director General Perfecto Palad ng Class 1977 sa darating na ika-15 ng Abril.

Posible umanong pumalit sa kanya si NCRPO Director Nicanor A. Bartolome.

Posibleng rin namang pumalit sa mababakante ng NCRPO chief sina Pagdilao o Region 3 Director Allan Purisima, na kilalang malapit kay Pangulong Benigno Aquino III.   Gaynor Bonilla

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply