PNP blanko pa rin sa kaso ni Pilar Pilapil

BLANKO pa rin ang pulisya sa kaso ng panananaksak kay sa dating beauty queen turned actress Pilar Pilapil, Crispina Martinez-Belen sa tunay na buhay.

Nabatid na tinututukan ng PNP-CIDG ang kaugnayan g kaibigan ng aktres na si Rossel Rosalem sa nasabing insidente.

Napag-alaman naman kay CIDG C/Supt. Samuel D. Pagdilao Jr., na bumuo na sila ng special team laban sa mga salarin.

Samantala, nanahimik naman ang mga kaanak ni Pilar at tumatanggi ang mga ito na magbigay ng impormasyon hinggil sa nasabing insidente.

Inaasahan naman na ngayong umaga ay magbibigay ng medical bulletin ang pamunuan ng ospital.

Base sa pahayag ng live-in partner ni PIlar na si Barnie Piñas, bandang 7:00 pa noong nakaraang gabi nang maghiwalay sila ni Pilapil upang pumunta umano ng River Banks at makipagkita kay Rosalem na hanggang ngayon hindi pa natagpuan.

Nasa Medical City sa Pasig City pa rin ang aktres upang magpagaling. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply