PNP naka-heightened alert sa Mayo 1

IPINAG-UTOS ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo sa lahat ng kapulisan sa bansa na magmatyag at magbantay para sa paghahanda sa Labor Day celebration bukas ika-1 ng Mayo.

Ipapatupad ng pulisya ang maximum tolerance sa mga magsasagawa ng mga rallies dahil sa nakaugalian na ito ng mga manggagawang Pilipino. Subalit sila ay magbabantay para maging maaayos at tamihik ang mga gagawing rally.

“As workers in government, policemen also deserve to enjoy and commemorate the significance of Labor Day. However as law enforcers, duty calls that we must report for work on that day to preclude any threat of violence and disorder on this otherwise peaceful and meaningful celebration of international Labor Day,” ayon kay Bacalzo.

Pahayag pa ni Bacalzo, ipinag-utos na niya sa lahat ng unit commanders na alalayan ang anumang grupo na hihingi ng tulong sa pulisya para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa Labor Day.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply